At last! My very first blog entry for the year 2010. Time to get this blog rolling!
Let me start with that new year’s resolution. Nope, hindi kasama sa resolution ko ang sipagin na sa pag-bablog. (Sorry mahal kong blog pero mukhang mangangayayat ka na naman sa kakulangan ng entries… =( ) Of course, sa abot ng aking makakaya ay mag-iiwan pa rin ako ng ilang kurokuro ko, but I’m not yet determined enough to make it a habit.
Mula noong kamakalawa ay nagdesisyon akong gawing isang libangan ang pagbabasa ng libro. Nalulungkot kasi ako nang kamakailan lang ay tinanong ako ng isang malapit na kaibigan kung anong libro na ang binabasa ko nung mga panahong iyon. Isang mahaba at nakabibinging katahimikan lamang ang aking naisagot. At noon ko narealize na ilang buwan na mula noon nang huli akong humawak ng libro upang namnamin at pagmunian.
Aha moment. Marami akong libro kung tutuusin. Kakapadagdag ko nga lang ng shelf para paglagakan ng aking book collection, pero ilan nga ba doon ang nabasa at natapos ko na? Kalahati. Sige na nga, higit pa sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga libro ko ang aking nabasa–isang malungkot na katotohanan.
Book hoarder ako kung maituturing. Hindi man kalakihan ang aking kwarto pero tiyak na mamangha ka naman sa dami ng librong nakalagak dito. Mula noong elementary (mga encyclopedia at general knowledge books), high school at college (mga nobelang pangbook report at ilang text books) hanggang sa mga inspirational at business books na naipon ko ngayong nagtatrabaho na ako, lahat wala akong tinatapon. Kumpleto din ako sa atlas at diksyunaryo (thesaurus, english, filipino, french, spelling-grammar usage). Mayroong mga compilation ng mga tula, maiikling sanaysay at kwento, isama na rin ang kung ilang recipe books at “how-to” books. Kulang na lang ay i-catalog ko ang mga libro ko, pero hindi pa sila ganun karami para kailanganin noon. With my OC-ness naka-arrange sila according to subject and according to height (Ayaw ko kasi na salisaliwa sila sa shelf). Tulad nga ng nabangggit ko, kamakailan ay nagdagdag ako ng shelf para sa mga nobela at short story books dahil wala na talaga akong paglagyan sa kanila kundi sa sahig. At ang target ko ay mabasa ang lahat ng nakalagay sa bago kong shelf sa loob ng buong taon, kasabay na rin ng hindi ko pagbili ng panibagong libro hanggang mabasa ko ang huling pahina sa huling libro ng aking koleksyon.
Nakapagsilmula na ako sa pagbabagong buhay kong ito at sinimulan at natapos ko na ang unang libro para sa taong ito– Twisted 81/2 ni Jessica Zafra. Sinusundan ko na ngayon ito ng isa pang naunang Twisted.
Hmmm… (napaisip)
Ngayon ko lang naisip na pwede ko palang gawan ng book review ang bawat librong mababasa ko para naman may lamanin naman ang blog ko for 2010. Oo nga naman! (Another Aha moment)
Sige, sige. Isisingit ko na rin sa resolution ko ang magsulat ng review para na rin masimulan ko na ang pundasyon ng dati kong idea na gumawa ng critic blog (ang plano ko talaga ay gumawa ng food blog). At least sisimulan ko nang hasain ang sarili sa paglalathala ng opinyon.
I think I’m going to have intersting year with my hope to revive my reading and writing life on the line. There’s only one way to find out if my resolution has become a success or not. That is to see what I shall be writing on this blog on January 2011!=)
