Anonymity

Inisip kong burahin na nang tuluyan si kurokurong paroparo dahil wala nang dahilan pa upang magpatuloy ang pamamayagpag ko.

Anonymity lang naman ang rason kung bakit ito nabuo. Ang pakiramdam na malaya mong maisusulat ang nais mo, maaring ang hindi mo rin nais, na hindi makakaapekto sa tunay na mundong iyong ginagalawan. Kung bakit sa mahigit isang taong pagsusulat ay wala akong binahagian ng blog, anonymity ang dahilan.

Isang maliit na puwang para makahinga. Isang munting pagkakataon upang bumulong.

Wala na.

Mga kurokurong humihingi ng munting pansin sa mga dapat sana ay hindi kilala na tulad ng paroparo na nais dumapo sa teritoryong hindi tanto. Tulad din pala ng paroparo, ang blog ko, araw lang din ang bibilangin ay huhupa at titigil din sa paglipad.

Pero parang ang tanga ko lang din. Aminin mo, naisip mo yan. Kabalintunaan na ang pagboblog ang napili kong susi upang manatiling kubli sa mata ng mundo. Pero sa kawalan ko ng lakas na ihinga ang mga nasasaisip, kailangan kong huminga sa ibang paraan at malaman lang na sa kabilang ibayo may isang babasa na walang titingnan kundi ang mga letra at salitang nasa pahina ko. Wala nang iba.

Dapat kasi talaga wala naman dapat makaalam nito maliban sa mga iilang hindi ko rin kilala, pero huli na. Nabunyag na.

~ ni kurokurongparoparo sa Abril 19, 2010.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.