Ang muling paglayag

Mula noong huli kong paskil, sa mga sandaling ito, iba na ang laptop na tinitipa ko, ang silyang inuupuan, ang mesang ginagalawan. Maging ang kuwartong aking tinutuluyan, ang mga kasuotan, at ang aking itsura.

Lahat siguradong nagbago, maliban sa isa.

AKO.

Ako na hanggang ngayon, pilit hinahanap ang kabuuan ng sarili sa mga letrang pinagtutugma, mga ideyang himuhulma, mga mithing sa puso hinihimpil. Ako na patuloy hinihimok ang hamon ni buhay, ang hinagpis ni kalbaryo at pait ni pag-ibig. At ang ako rin na naniniwala na ang hamon ng buhay, kalbaryo at pag-ibig ay kailangan upang maging tunay na maligaya.

Ako ay ang sarili kong kabalintunaan.

Muli akong lilipad mula sa matagal na pagkahimlay.

~ ni kurokurongparoparo sa Setyembre 20, 2011.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.